Thursday, August 30, 2007

isang minuto...

"kumusta na mike?" tanong mo habang nagbibihis ako..

"hindi ko alam, siguro ok lang.. hindi masaya, hindi din malungkot"

"tanggap mo na ba ang lahat?" parang nangungutya ka at pinipilit na saktan ako..

"di ba wala naman akong magagawa.. alam mo nung umpisa di ko kakayanin, pro di mo naman ako iniwan"

"yun lang naman ang magagawa ko, pro sana naintindihan mo na konti lang ang matutulong ko" sagot na simple pero malalim ang kahulugan para sakin..

"may nararamdaman ka pa ba sa kanya?"

"kay #####? di ko alam eh..pro pag naiisip ko gumugolo mundo. napapahinto ako"

"siguro nga meron pa..tsk tsk.. bayan mo na sya" pareho sa sagot mo..alam ko din meron pa..

"hindi naman masama kung tutuluyan mo ng kalimutan yung nangyari.." bat hindi ako natakot sabihin sayo..siguro alam ko maiintindihan mo ako..salamat pero

"minsan nakakasawa nadin maging malungkot, bumibigat ang lahat...nag iiba din ang kulay, lahat pusyaw, lahat madilim..lahat kulang sa buhay"

"gusto mo bang uminom? para maiba naman..." alam mo di ako umiinom, pero salamat sa alok..

"hindi na, inaantok na ako..bukas nalang tayo ulit mag usap."

"ok. sige"


alam ko gusto mo pang makipag usap, gusto pang marinig ang mga iniisip ko.. pro di ko na din kaya alalanin ang lahat..nag uumpisa palang ako tumangap ng katotohanan, mga kapangitan ng buhay..

siguro bukas.. pag may lakas na akong ngumiti at humarap sa salamin at kausapin ka muli.

No comments: